Nawala kahapon, nawawala ngayon, mawawala bukas.
Mga bagay na nagkaroon ng epekto sa mga Pilipino.

Nawala kahapon, nawawala ngayon, mawawala bukas.

Ang dati rati’y hindi nawawala sa loob ng ating tahanan, ngayo’y isang paalala na lamang ng una at nakalipas na henerasyon. Ang madalas na gamit ng Baul noong araw ay bilang lalagyanan ng mga damit, alahas at kung anu-ano pang mahahalagang bagay. Kapansin – pansin na ang baul ang isang bagay na hindi nawawala sa mga palabas na nais sumalamin sa mga sinaunang panahon lalo na sa kapanahunan ng Kastila. Sayang nga lamang, ngayon ay makikita mo na lamang siya sa loob ng bahay ng mga kolektor ng mga antiques o bilang display. Marahil ay nawala na nga ang baul at ang naunang paraan ng paggamit dito, gayunpaman, nananatili itong konseptong malay sa ating kaisipan sa pamamagitan na rin ng mga panitikan at kulturang nakaakibat dito (tulad ng Mahiwagang Baul, treasure chests, antiques, etc.). Sa madaling salita, hindi talaga nawawala ang kagamitan, ngunit nagbabago lang ang paraan ng paggamit nito.

- Bianca Polloso
(mula dito ang larawan)

In this photo: nawala  pambahay  
October 18 at 7:03am · Like · View Photo

Napili ko ang bakya na unti-unti nang nawawala dahil para sa akin ay hindi na nagiging uso ang paggamit nito bukod sa mga espesyal o katangi-tanging pangyayari o ritwal na kinakailangan ang paggamit nito. Gawa ang mga ito sa kahoy ngunit sa panahong ito, mas pinapaboran ang mas magandang materyales na cotton, rubber atbp., para sa mga sapatos at tsinelas dahil bukod sa mas komportable sa paa ang mga materyales na ito, kumpara sa kahoy, ay mas mabilis din hanapin ang mga materyales na ito. Nagiging mas all-purpose din ang mga sapatos.

- Kevin Atienza

In this photo: nawawala  kasuotan  
October 18 at 6:43am · Like · View Photo

Ang sorbetes o ‘dirty ice cream’ na ang kadalasang flavor ay keso, ube, o tsokolate ay isang uri ng ayskrim na karaniwang ginagawa sa bahay (homemade) o kaya naman sa maliliit na lugar lamang kumpara sa mga kilala o may pangalan na ayskrim. Maaari itong ilagay sa pagitan ng tinapay, sa isang pa o sa isang plastik na lalagyan. Ito ay nilalako ng isang tao na tinatawag na sorbetero, sa kalye gamit ang isang kart na may makulay na disenyo at dalawang malaking gulong sa magkabilang gilid, na mayroon rin dala-dalang maliit na batingaw na pinapatunog ng sorbetero habang siya ay naglalakad upang ipaalam sa mga tao na may dumadaan na naglalako ng sorbetes.
Mayroon pa ring iilan na naglalako ng sorbetes ngunit paunti-unti nang napapalitan ito ng ibang pampalamig na pagkain tulad ng yogurt at napapalitan na rin ito ng paglalako ng may pangalan na ayskrim. Ang mga naglalako nitong mga may pangalan na ayskrim ay gumagamit ng isang bisikleta na may nakadikit na maliit na kart kung saan nakalagay ang mga paninda, mala-pedicab ang porma na sabay nagpapatugtog ng malakas na ‘opisyal’ na himig na ginawa ng kumpanya ng ayskrim para ipaalam sa mga tao na may dumadaan na nagbebenta nito.

- Avery Lipa

In this photo: nawawala  pagkain  
October 18 at 6:31am · Like · View Photo

 Sa mga bata naging popular ang Stay Fresh na kendi dahil bukod sa pampabango ng hininga (sa halagang piso isang pakete), marami itong gamit na naka-aaliw. ‘Yung iba, hihiga, at nakapatong sa labi ang isang bilog ng SF, tapos magpapaligsahan kung sino ang [may] kayang [mag-]hipan ng pinakamataas… nang hindi ito nahuhulog (parang ganito). ‘Yung iba naman, ikinakasang bala ng pellet gun. Nawawala na ito dahil may pumapalit dito sa pagtanda ng bata: nagiging sigarilyo ang hinihipan at baril ang ikinakasa. Joke lang, nawawala na ito dahil nakasasawa ito kaagad—tatlong pakete lang, masusuka-suka ka na.

- Robin Anupol

October 18 at 6:12am · Like · View Photo

 Ang Tamiya ay isang plastik na kotseng laruan na nauso noong 1999. Talagang naging patok ito noon na kahit babae o matatanda man ay bumibili rin nito. Sa katunayan, nagkaroon pa ng anime series ang laruan na ito na ipinalabas sa Pilipinas.
 Mabibilis ang mga ito kaya madalas na ginagamit pangarera; tumatakbo kasi ang mga ito gamit ang baterya. Ang maganda rito, maari kang bumuo ng sarili mong Tamiya at gawing hango sa personalidad mo. Maari ka ring bumili ng mga gulong at baterya para mas bumilis pa ito, at pwede mong palitan ang disenyo ayon sa panlasa mo.
 Dumating ang panahon na halos kahit saan ka tumingin, ang lahat ng tao ay may dala-dalang ng kanilang sariling Tamiya. Madalas makikita sa mga mall, sa bakuran ng bahay, o minsan pa nga sa eskuwelahan ang mga taong naglalaro nito. Bumibili sila ng isang mahabang race track na maaaring buuin at naghahanap ng isang malaking espasyo na pwedeng paglagyan ng kanilang libangan.
 Sa race track na ito, tatlo hanggang apat ang pwede maglaban. Pwedeng gawing pustahan, o kaya naman ay pang-libangan lamang.
 Ngunit ngayon, ang mga maliliit na kotseng laruan na ito ay tila naglaho na. Ngayon, wala nang makikitang naglalaro o bumibili nito. Marahil dahil sa pagdating ng mga de-remote control na mga laruan na mayroong mas maganda na teknolohiya, na mabibilis rin at mas maangas kung titingnan. Ngayon, mayroon nang de-remote control na kotse na pwede mo na rin namang idisenyo na naaayon sa gusto mo. May mga de-remote control na rin na mga helicopter at barkong maliliit.

- Aillysse Nacachi

In this photo: nawawala  libangan  
October 18 at 5:55am · Like · View Photo